Pepe Smith nasa ospital matapos makaranas ng stroke | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pepe Smith nasa ospital matapos makaranas ng stroke

Pepe Smith nasa ospital matapos makaranas ng stroke

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA – Inoobserbahan ngayon sa ospital ang Pinoy rock legend na si Joey "Pepe" Smith matapos makaranas ng stroke bago maghatinggabi Martes.

Dinala sa emergency room si Smith sa Metro Antipolo Hospital kasunod ng reklamo niya tungkol sa galaw ng kanyang dila. Magse-seventy years old si Smith sa December 25.

Bandang 3 a.m. nang ilipat siya sa Acute Stroke Unit ng ospital.

Ayon sa hospital staff, stable ang vital signs ni Smith pero kailangan pa rin siyang suriin ng isang neurologist at iba pang doktor para ma-assess mabuti ang kundisyon ng Rock n Roll King lalo pa't ikatlo na niya umanong stroke ito mula pa noong 2016.

ADVERTISEMENT

Nagsulong ng Pinoy rock nung 1970 kasama ang Juan de la Cruz band, si Smith ay kilala sa mga klasiko niyang komposisyong "Ang Himig Natin," "Balong Malalim," "Beep Beep" at marami pang hits na nag-inspire ng maraming henerasyon ng musikerong Pinoy.

Bilang miyembro ng bandang Downbeats noong 1960s, nakilala din ang Fil-Am na guitarist mula Pampanga bilang Mick Jagger of the Philippines.

Huling humarap sa ABS-CBN News si Smith para itaguyod ang kanyang All-Star Rock Festival sa Quezon City sa isang linggo.

Latest movie niya ang "Singing in Graveyards" na itinampok sa Venice Film Festival noong 2016.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.