'It's a tough road ahead': Balo ni Isabel Granada, nangungulila sa misis | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'It's a tough road ahead': Balo ni Isabel Granada, nangungulila sa misis

'It's a tough road ahead': Balo ni Isabel Granada, nangungulila sa misis

ABS-CBN News

Clipboard

Inaasikaso na ng biyudo ni Isabel Granada ang mga papeles para maiuwi sa Pilipinas ang labi ng yumaong aktres.

Kasama ng balo na si Arnel Cowley ang pinsan ni Isabel sa pagsasaayos ng mga kinakailangang dokumento sa embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar.

Oras na makompleto nina Cowley ang lahat ng dokumento, maaari nang iuwi ang labi ni Isabel na itinakda sa Miyerkoles, Nobyembre 8.

Ngayon pa lang, labis na ang pangungulila ni Cowley sa kaniyang kabiyak.

ADVERTISEMENT

"It's a tough road ahead of me talaga, kaya I said na I'm just gonna try to take it one step at a time, do it day by day," ani Cowley.

Nabigyan din ng pagkakataon ang ilang malalapit na kaibigan ni Isabel na masilayan ang kaniyang labi sa Qatar.

Kasalukuyang nasa Al Wakra Mortuary sa Qatar ang labi ng aktres.

"She looks peaceful and parang sleeping beauty na parang natutulog lang," ani Annalee Dionisio, kaibigan ni Isabel.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang ilang Pilipino sa Doha, Qatar na hindi makapaniwala sa pagpanaw ni Isabel.

Samantala, nakabalik na sa Pilipinas ang anak, dating asawa, at ina ni Isabel mula Qatar noong gabi ng Linggo, Oktubre 5.

"Huwag po siyang mag-aalala dahil dodoblehin ko pa po ang aking pagmamahal sa amin pong anak," ani Jericho Aguas na dating mister ni Isabel.

"Ma, salamat sa lahat ng ginawa mo bilang isang ina. Hinding-hindi kita makakalimutan... At sana, ngayon masaya ka... at binabantayan mo kami at nasa kamay ka na ng Diyos," sabi naman ng anak ni Isabel na si Hubert Aguas.

Ayon kay Jericho, nakikipagtulungan siya sa iba pang mga artista para sa burol ni Isabel.

Nakikipag-ugnayan siya sa dating katambal ni Isabel na si Chuckie Dreyfuss, pati na sa mga malalapit na showbiz friends na sina Nadia Montenegro at Bianca Lapus.

Ibinahagi naman ni Chuckie nitong Lunes sa "Umagang Kay Ganda" ang naging huling usapan nila ni Isabel, na tungkol umano sa pagpunta sa gym.

Inamin ni Chuckie na pinagsisisihan niyang hindi siya nakapagbigay ng mas maraming oras para kay Isabel.

"Sometimes you take it for granted na ngayon kapag naiisip ko, ngayong wala na si Isabel, parang nagsisisi ka na sana ay naibigay ko lahat ng oras na hinihingi niya," ani Chuckie.

Pumanaw si Isabel sa edad na 41 nitong Sabado, Nobyembre 4, matapos ang mahigit isang linggong pananatili sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar.

Isinugod si Isabel sa ospital matapos mawalan ng malay habang nasa isang fan meet-and-greet sa Doha noong Oktubre 25.

Natuklasang mayroon brain hemorrhage o pagdurugo sa utak si Isabel.

Idineklarang "brain dead" ang aktres noong Oktubre 27 pa lamang at napanatili ang pagtibok ng puso niya sa tulong ng makina.

-- Ulat nina Maxxy Santiago at Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.