Labi ni Isabel Granada, iuuwi sa Pilipinas | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Labi ni Isabel Granada, iuuwi sa Pilipinas

Labi ni Isabel Granada, iuuwi sa Pilipinas

ABS-CBN News

Clipboard

Inaasikaso na ng asawa ni Isabel Granada ang pag-uuuwi ng labi ng yumaong aktres sa Pilipinas.

Pumanaw si Isabel sa edad na 41 nitong Sabado, Nobyembre 4, matapos ang mahigit isang linggong pananatili sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar.

Isinugod si Isabel sa ospital matapos mawalan ng malay habang nasa isang fan meet-and-greet sa Doha noong Oktubre 25.

Natuklasang mayroon brain hemorrhage o pagdurugo sa utak si Isabel.

ADVERTISEMENT

Idineklara nang "brain dead" si Isabel noong Oktubre 27 pa lamang, ayon sa dati niyang mister na si Jericho Aguas.

Matapos nito'y napanatili na lang ang pagtibok ng puso ni Isabel sa tulong ng makina, ani Aguas.

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ngayong Linggo, Nobyembre 5, si Jericho, ang anak nilang si Hubert, at ina ni Isabel na si Guapa.

Samantala, maiiwan muna si Arnel Cowley, asawa ni Isabel, sa Qatar para makipag-ugnayan sa Spanish at Philippine Embassy ukol sa repatriation o pagbabalik ng labi ni Isabel sa Pilipinas.

Bumuhos din ang pakikiramay mula sa ilang personalidad sa industriya.

ADVERTISEMENT

Kabilang dito si Chuckie Dreyfus, dating ka-love team ni Isabel.

Unang nakilala si Isabel sa "That's Entertainment" ni German Moreno.

Huling lumabas ang 41 anyos na aktres sa ABS-CBN teleserye na "A Love to Last," na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.