'Sigurado kami sa isa't isa': Angel Locsin sa relationship status nila ni Neil Arce

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2017 09:32 PM | Updated as of Oct 18 2017 10:54 PM

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce) on

Diretsahang tinanong ang aktres na si Angel Locsin ukol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng producer na si Neil Arce. 

Hindi naman nagpaligoy-ligoy ang aktres sa kaniyang sagot.

“Exclusively dating. He’s very special to me at wala naman akong ibang gustong makasama kundi siya,” ani Locsin.

Dagdag pa ni Angel, masaya sila sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon. 

“Happy kami kung ano kami. We’re very happy. Hindi kami nagmamadali pero sigurado naman kami sa isa’t isa.”

Sa isang panayam noong nakaraang buwan, sinabi ni Angel na may palitan sila ng "I love you" ni Neil, pero wala pang label ang kanilang relasyon.

Si Neil ang ex-boyfriend ni Bela Padilla.

Samantala, nagsama sina Angel at Richard Gutierrez sa 'Bida Kapamilya Thank You' event sa Sta. Rosa Laguna noong Sabado, Oktubre 14, upang magpasalamat sa fans para sa mataas na ratings ng "La Luna Sangre."

Nagpasalamat din si Angel sa pagdepensa sa kaniya nina Richard at tambalan nina Kathryn Benardo at Daniel Padilla laban sa bashers. 

“Noong isang araw nagkita kami, so niyakap ko si DJ [Daniel] at saka si Kath. Si Kath tinext ko. Nagpasalamat ako sa kanila, kahit si Chard nagsalita e. Hindi naman kami nag-usap pero nagsalita sila," ani Angel.

“Malaking bagay naman para sa’kin ‘yon,” ayon sa aktres. 

Inaabangan na rin ang pagkikita nina Malia (karakter ni Kathryn) at Jacintha Magsaysay (karakter ni Angel) sa serye.

Gusto munang mag-focus nina Angel at Richard sa kanilang primetime serye kaya time out muna sila sa movie project kasama si Angelica Panganiban.

“Honestly, naka-hold talaga ang lahat para dito sa 'La Luna Sangre'… Choice namin ‘yon talaga. Gano'n siguro kami magtrabaho, ibibigay muna naming ‘yong lahat namin dito sa isang project,” paliwanag ni Angel. 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.