Pokwang at boyfriend, nagkakalabuan na nga ba?

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2017 11:29 AM

MANILA -- Taliwas sa isyu na hindi umano maganda ang takbo ng relasyon ni Pokwang at ang Amerikanong boyfriend nito na si Lee O'Brian, sinabi ng kaibigan ng Pokwang na si Pooh na maayos naman ang pagsasama ng dalawa.

"Okay naman sila. Smooth naman ang kanilang (relasyon). Nag-a-adjust ang bawat isa kasi ngayon lang naman ulit siya nabuntis," ani Pooh sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

Ayon kay Pooh, maselan ang pagbubuntis ng kanyang kaibigan. 

"Kaya kailangan laging nakahiga, hindi puwedeng kumilos. Pero minsan kapag nandoon ako, bumababa naman siya," ani Pooh.

Dagdag ng komedyante, kailangan ding unawain ang pinagdadaanan ngayon ni Pokwang.

"Dapat maintindihan 'yan ('yung mood ng buntis)," ani Pooh.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.