Coco Martin, pangarap ang makasama si Vic Sotto sa pelikula | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin, pangarap ang makasama si Vic Sotto sa pelikula

Coco Martin, pangarap ang makasama si Vic Sotto sa pelikula

Kiko Escuadro,

ABS-CBN News

Clipboard

Aminado ang “FPJ’s Ang Probinsyano” star na si Coco Martin na isang katuparan sa kanyang pangarap ang makasama si Vic Sotto sa isang pelikula.

Kuwento ni Coco sa naganap na story conference ng 2018 MMFF movie entry na “Jak Em Popoy, The Pulis Credibles” siya daw mismo ang gumawa ng paraan para maisakatuparan ang pangarap na proyekto.

“Honestly po, kinausap ko po si Mr. T. [Tony Tuviera]. Hindi ko po kasi alam kung paano makakausap si Bossing [Vic Sotto]. Actually dating dati ko pa siya gusto makasama sa pelikula,” ani Coco.

“Kino-laborate po namin ni Mr. Tuviera, nagpalitan po ng kanya kanyang kuwento para mapaganda 'yung pelikula. Tapos sabi niya kakausapin daw niya si Bossing,” dagdag ni Coco.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa aktor, hindi pa rin siya makapaniwala na matutuloy ang kanyang pangarap na konsepto ng pelikula.

“Na-surprise ako na ang laki pala ng casting natin, sobrang laki po. Honestly parang dalawang mundong pinagsama,” ani Coco na siya ring mag-di-direct ng MMFF entry.

Aniya, aasahan ng mga fans ang kakaibang kuwento ng saya at aksyon.

“Siyempre ang gusto namin i-assure sa mga viewers na susulitin namin talaga ang ibabayad nila sa pelikula kasi alam naman natin na medyo mahirap ang buhay, at ang mga Pilipino minsan lang manood ng pelikula,” pahayag pa ni Coco.

Mapapanood ang "Jak Em Popoy, The Pulis Credibles" ngayong Disyembre 25.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.