Maine, makakasama nina Coco at Vic sa MMFF movie | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maine, makakasama nina Coco at Vic sa MMFF movie

ABS-CBN News
Published Jul 24, 2018 10:14 PM PHT
|
Updated Jul 25, 2018 08:39 PM PHT

Kinumpirma ni Vic Sotto na makakasama nila ni Coco Martin si Maine Mendoza sa pelikula nilang isasabak sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Sa panayam ng ABS-CBN News habang nasa concert ni Celine Dion noong nagdaang weekend, ikinuwento ni Sotto na pumayag si Mendoza dahil nagustuhan niya ang proyekto.

"She felt it was a good project. Maganda iyong role niya and hindi lang basta challenging. It's her first time to do a role na ganito so 'di kami nagdalawang salita sa kaniya, pumayag agad siya," ani Sotto.

Pinamagatang "Popoy En Jack: The Puliscredibles," nais umano ng pelikula na ipakita ang "good side" ng mga pulis.
Pinamagatang "Popoy En Jack: The Puliscredibles," nais umano ng pelikula na ipakita ang "good side" ng mga pulis.
ADVERTISEMENT
"Madalas nating mabalitaan iyong mga hindi magagandang balita tungkol sa mga pulis. Ito very positive, at the same time, entertaining, funny," ani Sotto.

Ayon pa kay Sotto, masusubukan ang galing ni Mendoza sa pag-arte, lalo at ito raw ang unang pelikula niyang hindi kasama ang katambal na si Alden Richards.

"This is her first time going solo without the love team and dito magkakasubukan ng galing sa pag-arte talaga," aniya.

Sa unang linggo ng Agosto nakatakdang gumiling ang kamera para sa "Popoy En Jack: The Puliscredibles."

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Vic Sotto
Coco Martin
Maine Mendoza
Puliscredibles
MMFF 2018
TV Patrol
Mario Dumaual
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT