Xander Ford, bumalik sa pag-aaral dahil sa bashers | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Xander Ford, bumalik sa pag-aaral dahil sa bashers

ABS-CBN News
Published Jul 29, 2018 08:53 AM PHT
|
Updated Jul 29, 2018 06:58 PM PHT

Matapos magparetoke, hindi pa rin nakaiwas si Xander Ford sa mga masasakit na salita mula sa mga tao sa social media.

Pero ang mga panlalait na ito ang ginamit ng 21 anyos na social media sensation para paunlarin pa ang sarili, hindi lamang sa panlabas na aspeto.

Sa panayam ng programang "Pareng Partners," ibinunyag ni Ford na iniwan niya ang show business para bumalik sa pag-aaral at matutukan ito.

"Pumapasok po ako sa school, iyon po 'yong pinagkakaabalahan ko ngayon," sabi ni Ford.

ADVERTISEMENT
"Lagi ko naririnig sa tao is, 'Ang bobo mo naman. Mag-aral ka muna bago ka magpasikat,' so nag-study ako tapos sinasabayan ko ng gym, work-out tapos dancing," kuwento niya.

Ayon kay Ford, tumigil siya sa pag-aaral matapos sumikat.

Unang nakilala si Ford bilang miyembro ng Hasht5, isang grupo ng kabataang entertainers na pumatok dati sa social media.

Ayon kay Ford, noon pa man ay nakatatanggap na siya ng mga pambabatikos sa social media. Sa katunayan, itinuturing niya ang "panlalait" at "pamba-bash" sa kaniya bilang dahilan ng kaniyang pagsikat.

Bashers din ang nagtulak kay Ford para magparetoke dahil inakala niyang mas magugustuhan siya ng mga tao kapag nagpabago ng hitsura.

"Inisip ko na kapag nagbago ako, mababago ko rin 'yong tingin ng tao sa'kin pero hindi. Ganoon po pala talaga ang tao, kapag hate ka nila, hate ka nila," aniya.

Magugunitang matapos magparetoke ay nasangkot si Ford sa isyu ng pamimintas umano kay Kathryn Bernardo matapos kumalat ang isang recording pero itinanggi ng kampo ng binata na siya ang nagsasalita rito.

Noong Nobyembre naman ay iniulat ng management ni Ford ang kaniyang pagkawala pero kalaunan ay lumitaw ulit si Ford at nilinaw na ginusto lang niyang magpahinga.