Luis, Jessy, may ibinunyag sa usaping kasal

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2017 07:47 PM | Updated as of Jul 27 2017 10:44 PM

Taliwas sa kuwento ni Vilma Santos, umamin sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal. 

Ayon pa kina Manzano at Mendiola, halos araw-araw nilang pinagkukuwentuhan ang kanilang magiging kasal. 

"We actually talk about it every day," bunyag ni Mendiola.

"When we talk about it, there's seriousness behind it, there's already forethought," dagdag ni Manzano.

Hindi man napag-uusapan ng dalawa sa harap ng Star for All Seasons ang kanilang planong pagpapakasal, nananatili pa ring 'thankful' si Mendiola kay Santos. 

"Noong unang beses ko sa bahay nila, sobrang warm ng welcome niya sa 'kin and wala akong masabi. Sobrang thankful ako, sobrang bait niya sa akin," ani Mendiola. 

Gayon din naman ang batikang aktres kay Mendiola. 

"I like Jessy. Ilang beses ko na siyang nakasama over dinner and I like her. Walang showbiz, walang makeup," ayon kay Santos. 

Seryoso mang pinag-uusapan ng dalawa ang kasal, nakatakda pa nilang pagdesisyunan ang petsa nito. Kailangan ding abangan pa kung kailan ang pagdating ng singsing. 

Hindi na rin pinapansin ng dalawa ang bashers ng kanilang relasyon. 

Ang mahalaga para sa kanila ay masaya sila sa isa't isa. 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.