A Great Big World, humanga sa pag-awit ni KZ ng 'Say Something' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
A Great Big World, humanga sa pag-awit ni KZ ng 'Say Something'

ABS-CBN News
Published Feb 25, 2018 05:09 PM PHT
|
Updated Feb 26, 2018 08:38 PM PHT

Hindi lang mga manonood ang naantig sa pagtatanghal ni KZ Tandingan ng awiting "Say Something" sa "Singer 2018" dahil maging ang mga lumikha ng kanta ay napabilib sa galing na ipinamalas ng Pinay singer.

Napa-wow ni Tandingan ang American musical duo na A Great Big World, na siyang nagsulat ng "Say Something" at unang inilabas ang kanta kasama si Christina Aguilera.

Sa Twitter ibinahagi ng A Great Big World ang video ng pag-awit ni Tandingan at isinulat sa caption: "Wow. @KZofficial. wow."

Pumang-apat si Tandingan matapos awitin ang "Say Something," ang kaniyang ikatlong performance sa timpalak na nasa ika-pitong linggo na.

Una nang inamin ni Tandingan na "nagulantang" siya dahil kinailangan niyang magpalit ng kanta noong gabi bago ang mismong pagtatanghal.