Imbestigasyon sa mga kompanya ng langis, aarangkada na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Imbestigasyon sa mga kompanya ng langis, aarangkada na

ABS-CBN News
Published Nov 20, 2017 06:17 PM PHT
|
Updated Nov 20, 2017 08:28 PM PHT

Nakatakdang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo matapos ang limang linggong magkakasunod na dagdag-singil.

Simula Martes, Nobyembre 21, P0.50 ang itatapyas sa kada litro ng gasolina habang P0.15 sa kada litro ang bawas sa diesel. Sa kada litro ng kerosene, P0.35 naman ang ibabawas .

Sa kabila ng bawas-singil, bumuo pa rin ng task force ang Department of Energy (DOE) upang imbestigahan ang sunod-sunod na taas-presyo sa petrolyo.

Matatandaang dumaing ang grupong Laban Konsyumer sa DOE para pagpaliwanagin ang mga kompanya ng langis hinggil sa sunod-sunod na dagdag-singil.

Sa limang sunod-sunod na linggo kasi, umabot sa halos P3 ang iminahal ng gasolina at P1.75 sa diesel.

Bukas naman ang mga kompanya sa imbestigasyon dahil wala anila silang itinatago.

Sinabi naman ng Phoenix Petroleum na magandang pagkakataon ang imbestigasyon para mapatunayan ng mga kompanya ng langis na may batayan ang galaw sa presyo ng petrolyo.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT