Sunod-sunod na taas-presyo ng petrolyo, kinuwestiyon ng consumer group | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunod-sunod na taas-presyo ng petrolyo, kinuwestiyon ng consumer group

Sunod-sunod na taas-presyo ng petrolyo, kinuwestiyon ng consumer group

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 15, 2017 09:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gaya ng maraming motorista, may inilaang pera para sa gasolina si Vic Dimagiba ng grupong Laban Konsyumer.

Pero iginiit niyang dehado ang ilang motorista dahil sa limang linggong sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kaya humirit ang kanilang grupo na maglabas ng show cause order ang Department of Energy (DOE) at pagpaliwanagin ang mga kompanya ng langis hinggil sa serye ng taas-presyo.

Dapat din umanong umeksena ang Department of Justice at Philippine Competition Commission.

ADVERTISEMENT

"Bakit pare-pareho ang amount ng increases nila every week. Mayroon din bang nangyayaring price fixing?" ani Dimagiba.

Pero ayon sa DOE, may batayan ang dagdag-presyo sa petrolyo.

Sa limang sunod-sunod na linggong oil price hike, aabot na sa halos P3 ang nadagdag sa presyo ng gasolina at P1.75 sa diesel.

Sa kabuuan, mula umpisa ng taon hanggang ngayon, mahigit P4 na ang iminahal ng diesel at gasolina.

Ayon sa DOE, suplay ng langis sa mundo ang dahilan ng dagdag-presyo na labas na sa kontrol ng Pilipinas.

Paliwanag naman ng mga independent oil players, wala silang kontrol sa presyo ng imported na petrolyo gustuhin man nilang bumaba ito.-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.