Presyo ng gasolina, kerosene, tataas ng halos P1 kada litro

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2017 11:43 PM

Halos P1 ang itataas ng presyo kada litro ng gasolina at kerosene.

Nag-anunisyo na ang ilang kompanya ng langis na magtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Simula Martes, Nobyembre 14, P0.95 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina at kerosene habang P0.60 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.

OIL PRICE HIKE

  • Flying V (November 14, 12:01 A.M.)
  • Shell, SEAOIL, Unioil Petroleum Philippines, Phoenix Petroleum, PTT Philippines (November 14, 6 A.M.)

DIESEL P0.60/Litro
GASOLINA P0.95/Litro

  • Flying V (November 14, 12:01 A.M.)
  • Shell, SEAOIL (November 14, 6 A.M.)

KEROSENE P0.95/Litro

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.