This site works better with
Google Chrome or Mozilla Firefox.

Sa panahon ng kawalan, umuusbong ang kabayanihan. Sa araw ng pambansang pagkilala sa mga bayaning walang pangalan, alalahanin natin ang mga nawalan. Tayo-tayo ang ating maaasahan at matatakbuhan; ang mga nangangailangan, hindi natin iiwan. Isa't isa ang ating paglilingkuran.
Ang National Heroes Day ay ginugunita tuwing huling Lunes ng Agosto, ayon sa Republic Act 9492. Hindi ito nakalaan sa partikular na bayani, at itinuturing na pagkakataon para kilalanin sa pangkalahatan ang kabayanihan ng mga Pilipino.
SOURCE: https://www.officialgazette.gov.ph/featured/national-heroes-day/