Batang may cancer, nagbebenta ng mga paintings bilang tulong sa frontliners | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Batang may cancer, nagbebenta ng mga paintings bilang tulong sa frontliners

Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Aug 18, 2020 04:50 PM PHT
|
Updated Aug 18, 2020 08:22 PM PHT

MAYNILA — Hindi hadlang para kay Aedan Pio Malvar, isang 9 anyos na batang may clival chordoma, isang rare type ng bone cancer, na makatulong sa frontliners ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ibinebenta ni Pio ang paintings ng mga bituin, planeta at iba pang makikita sa kalawakan sa kanyang social media para makalikom ng pondo na ibibigay nito sa frontliners.

Kwento ni Pio nitong Martes, masaya siya na nakakatulong sa mga frontliners na tumutulong din para bumuti ang kanyang kalagayan.

"Surprised ako kasi 'di ko inakala na maraming magkakagusto ng artwork ko, na kahit para sa 'kin hindi sila masyadong perfect ... Siyempre happy na nakakatulong ako the same way na tinulungan ako ng mga tao," sinabi ni Pio sa ABS-CBN News.

Ayon kay Gem Zapanta, ina ni Aedan, hilig na ng kanyang anak ang pagpipinta at nagsimula ang inisyatibang ito simula pa noong 2015 matapos ang kanyang unang operasyon.

"Hindi ko rin po kasi akalain na may magkakagusto po ng works n'ya noon kasi he just likes to play with colors," sinabi ni Zapanta sa ABS-CBN News.

Masaya siya na nakakatulong ang kanyang anak at nagbibigay na rin ng kamulatan sa publiko hinggil sa kanilang kundisyon, dagdag pa ng ina.

"Bukod po sa monetary aspect, tingin ko po nakakahikayat rin po sa iba na tumulong and maging mapagmalasakit po sa kapwa ngayong pandemic. Sana rin po nakaka-inspire ito sa mga may sakit and disabilities na huwag nila hayaan maging definition ng buhay nila ang diagnosis po nila," ani Zapanta.

"Saka sana po nakakapagbigay awareness rin po na malaki ang value ng ating healthcare workers sa ating buhay," dagdag pa niya.

Ang nalilikom na pera ay mapupunta sa Brave Warrior Kids Foundation (BWKF) at Philippine General Hospital (PGH) Medical Foundation.

"He helps Brave Warrior Kids Foundation and PGH Medical Foundation. [At] BWKF, he has personally made friends with the kids here po kasi they also are cancer patients mostly from [Philippine Children's Medical Center] and PGH."

Read More:
COVID-19
coronavirus
frontliners
clival chordoma
bone cancer
PGH Medical Foundation
PGH
Brave Warrior Kids Foundation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT