PatrolPH

ROTC hindi na dapat i-alok sa mga unibersidad: Carlos

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2023 12:30 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Hindi na dapat i-alok sa mga unibersidad ang Reserve Officers' Training Corps (ROTC), ayon sa isang dating National Security Adviser, sa gitna ng pagtutulak nito ng ilang mga opisyal.

Ayon kay Dr. Clarita Carlos, kumplikado ang pag-aalok ng ROTC at nakadagdag sa mandato ng militar sa bansa. Iba umano ang training nito, at hindi pang military training.

Aniya, hindi na dapat i-alok ang ROTC sa mga university dahil marami nang academic activities na ginagawa ang mga estudyante.

Dapat umano ilahad ng mga nagbalangkas ng batas kung ano ang saklaw ng ROTC upang maintindihan ng mga magulang at mga estudyante at dapat na ma-reconfigure ang curriculum bago magpatupad ng mandatory ROTC.

Giit ni Carlos, imbes na ROTC ay dapat na maturuan ang mga estudyante kaugnay ng climate change dahil ito ang malaking kalaban ng bansa.

Tinutulak ng ilang mga mambabatas ang mandatory ROTC sa kolehiyo, kabilang si Education Secretary at Vice President Sara Duterte-Carpio. - SRO, TeleRadyo, Abril 11, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.