SOGIE bill 'di kailangan dahil sa 'equal protection clause': ex-law school dean
ABS-CBN News
Posted at Feb 10 2023 02:15 AM
MAYNILA - Para sa isang constitutional law expert, hindi na kailangan ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality (SOGIE) Bill na ngayon ay isinusulong sa Kongreso.
Ayon kay dating University of the Philippines College of Law dean Pacifico Agabin, ang Saligang Batas ay may tinatawag na "equal protection clause" na nagbabawal sa diskriminasyon base sa gender at sexual orientation.
Aniya, sa Universal Declaration of Human Rights ay bawal din ang discrimination base sa naturang mga aspeto.
Saad ni Agabin, jurisprudence na na-establish ng Korte Suprema na bawal din ang discrimination kaya hindi na masyadong kailangang ang SOGIE bill,.
Giit niya, kailangan lang i-implement ang parusa laban sa diskriminasyon na hindi nagagawa.
Ayon kay Agabin, kailangan ng implementing statute sa provision ng Saligang Batas na nagbabawal sa diskriminasyon.
Aniya, kailangan lang ng Konstitusyon ng implementing law, kung saan pwede pumasok ang SOGIE, para magpataw ng parusa diskriminasyon.
Ayon naman kay House committee on women and gender equality chair Geraldin Roman, walang sapat na enabling law na nakakasakop sa diskriminasyon ng LGBTQ+.
Sa ilalim umano ng SOGIE bill, kung mapapatunayan ang diskriminasyon ng isang tao, maaari itong parusahan ng multa ng hanggang P1 milyon at pagkakakulong ng 6-10 taon. - SRO, TeleRadyo, Peb. 9, 2023
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
TeleRadyo, Tagalog news, PatrolPH