PatrolPH

Learning gap ng mga bata sa bansa nakakabahala: grupo

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2023 01:02 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Nababahala ang isang grupo sa learning gap umano ng mga batang estudyante sa bansa dahil hindi maraming nahihirapang makapagbasa o hindi alam ang basic math problems.

Ayon kay Shiela Lim Manuel, president ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT)-NCR, isa sa obserbasyon ng mga guro ay may learners' gap ang maraming mga estudyante, lalo na noong panahon ng pandemya. 

Aniya, magagaling ang mga bata sa pagsasalita, subalit hirap ang mga ito magbasa, at malaki ang gap na kailangan habulin ng mga guro para maturuan ang kakulangan na gap ng mga estudyante.

Naging mahirap umano para sa mga estudyante ang online study nooong panahon ng pandemya, kaya agam-agam ng mga guro sa kung sino nga ba ang sumasagot sa mga modules ng mga bata noong mga panahon na iyon.

Isa sa nakikitang paraan ng ASSERT para matugunan ang learning gap ay ang pagrerepaso ng modules at pagbibigay ng pansin sa math, English at science subjects.

Panawagan ng ASSERT, dagdagan ang mga benipisyo at magkaroon ng programa upang palawakin ang kaalaman ng mga guro dahil may mga ibat-ibang kinakaharap na hamon ang mga ito. 

Panawagan din ng grupo, dapat maibigay na ang 2021 Performance Base Bonus (PBB) ng mga guro.—SRO, TeleRadyo, Enero 31, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.