Driver ng kotse sugatan matapos banggain ang isang SUV | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Driver ng kotse sugatan matapos banggain ang isang SUV

Driver ng kotse sugatan matapos banggain ang isang SUV

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sugatan ang isang driver ng kotse ng banggain nito ang isa ring kotse sa Quezon City.

Nasugatan sa kamay at tuhod ang isang driver ng kotse matapos na banggain nito ang isang SUV.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng Quezon Avenue corner Examiner Street sa Quezon City.

Galing sa Quezon Avenue ang bumanggang sasakyan na dere-deretso ang takbo kahit naka red ang traffic light.

ADVERTISEMENT

Kwento ng mga nakakita, umikot pa ng dalawang beses ang kotse sa lakas ng pagkakabangga dito, natanggal ang gulong at tumilapon ng isang daang metro.

Ayon sa biktima, papatawid na siya ng Examiner Street ng biglang banggain ng humaharurot na kotse.

Nawalan pa umano ng malay ang driver ng bumanggang kotse.

Nang tanungin niya kung nakainom, hindi naman daw ito nakainom.

Pero ayon sa nagrespondeng medic ng MMDA, inamin ng driver na nakainom siya.

Nagtamo ng sugat sa kamay ang driver ng SUV pero laking pasasalamat at ligtas ito.

Inaalam pa rin kung magsasampa ng kaso ang biktima lalot nagtamo ng pinsala ang sasakyan nito.

Wasak naman ang harapan at nawasak ang windshield ng kotse.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang nakabanggang driver.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.