Bilang ng krimen sa Pilipinas, bumaba ngayong 2022: PNP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bilang ng krimen sa Pilipinas, bumaba ngayong 2022: PNP

Bilang ng krimen sa Pilipinas, bumaba ngayong 2022: PNP

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 13, 2022 02:28 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Bumaba ang bilang ng krimen sa bansa ngayong 2022 kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Philippine National Police (PNP).

“Sa review natin kahapon, during our command conference, pababa naman nang pababa ang krimen dito sa buong Pilipinas. Nakapagtala tayo ng halos 1,000 na pagbaba ng krimen compared last year from January to December 9,” ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

“So in Luzon, bumaba ng 1.24 ang crime incident natin, pinakamataas ang pagbaba sa Visayas, which is 6 percent and 3 percent naman sa Mindanao, and then ang karamihan nga po ng krimen na nangyayari, especially sa index crime, yun pong theft po talaga.”

Ayon kay Azurin, naging talamak sa Metro Manila ang pagnanakaw ng mga cable wires. Laganap din aniya ang nakawan ng cellphone sa nasabing rehiyon.

ADVERTISEMENT

Kaugnay nito, pinayuhan ng pulis ang publiko na mag-ingat sa mga mall, simbahan at iba pang matataong lugar ngayong Pasko.

Aniya, bawal na ang mga pulis na mag-leave ngayong kapaskuhan.

“Ang ano natin diyan is 85 percent ang dine-deploy natin out of the total na kapulisan ng lahat ng mga istasyon, and then ang deployment nila sa mga convergence areas, sa mga churches, sa mga malls, sa mga terminal, sa mga pier dahil kailangan ay nakikita ang presensiya ng ating mga kapulisan doon, lalong-lalo na ngayong Biyernes mag-uumpisa na ang Simbang Gabi.”

“So ang dapat diyan ay very visible ang ating mga pulis. Medyo madilim pa yan, kaya yung mga blinkers ng mga patrol cars natin dapat ay kahit sa medyo malayo na lugar, nakikita na mga kababayan natin.”

Ayon sa opisyal, ang tanging hiling niya lang ngayong Pasko ay ang patuloy na pagbaba ng mga insidente ng krimen sa bansa.

“Matutuwa ako kung ang pagbaba po ng krimen ngayong almost patapos na taon na ay tuloy-tuloy na kasi nakita po naman namin, tuloy-tuloy ay pagbaba ng krimen.”

“Kaya ine-encourage ko po ang aming kapulisan sa huling araw ng taon na ito, dapat maging masigasig pa po sila sa pagtatrabaho nila, ibigay po nila yung best nila kasi ito po yung unang pasko na magce-celebrate tayo after the very critical na pandemya kung saan hindi po tayo nakakalabas,” sabi niya.

--TeleRadyo, 13 Disyembre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.