Paano gawing mas simple ang Noche Buena | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano gawing mas simple ang Noche Buena

Paano gawing mas simple ang Noche Buena

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Sa harap ng mga taas-presyo, may iilang Noche Buena items na maaaring swak sa iyong budget.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Inc President Steven Cua, maaaring mag-improvise kung hindi kaya ng budget ang ilang Christmas items.

Halimbawa, maaaring kumuha ng mga ham na nasa lata na nasa P100 hanggang P285. Maaari rin itong gawin sa keso, kung hindi swak sa budget ang Queso De Bola.

"Chop it, lagyan ng toothpick, pica pica. Wag na yung ham na nilalamon," aniya sa Bida Konsyumer.

ADVERTISEMENT

Maaari namang gumawa ng spaghetti para sa limang tao sa halagang P220. Pero hindi pa umano kasama rito ang presyo ng sibuyas.

"For spaghetti may choice tayo which ranges from more or less 5 people kasya ang P220. Pinag-aralan namin ang mga sangkap na kailagan, Lalabas around P220 kasya na for 5 people," ani Cua.

Ang isang supermarket, nag-aalok ng econopacks na may presyong P250 hanggang P500. Kung may mas maluwag na budget, may mga christmas basket sila na P1,000 hanggang P4,000 at may lamang mga branded na mga sangkap.

-- Teleradyo, 10 Disyembre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.