Reklamo vs. MMDA traffic enforcers, maaaring ihain online | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Reklamo vs. MMDA traffic enforcers, maaaring ihain online

Reklamo vs. MMDA traffic enforcers, maaaring ihain online

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Nitong Huwebes lang, isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang inaresto matapos mahuling nangongotong sa isang motorista sa Quezon City.

Kaugnay nito, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na muli nilang inilunsad ang online complaint form para sa mga drayber na nais ireklamo ang mga tiwaling kawani ng nasabing ahensya.

“Bago po ito, pinadali po natin yung proseso. May ififill-up-an lang silang mabilis, tatlong questions lamang po: pangalan, yung ticket number, at yung kanilang reklamo,” ani Artes.

“At yun po ay ating ipinag-utos na within 72 hours, kailangan i-solve ng ating traffic adjudication division, may mga lawyers po tayo dyan,” kuwento niya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Artes, maaari ring gamitin ang online form para kuwestiyonin ang ilang ticket na ibinigay sa kanila dahil sa mga traffic violation.

Maaaring maghain ng reklamo sa link na ito: https://bit.ly/3J62YhH.

Kuwento ni Artes, nakakulong na ang umano’y nangongotong na enforcer at isasailalim na sa inquest procedure.

“Ang mga bagay na ganyan ay hindi naman po natin tino-tolerate, in fact in coordination po tayo sa mga kapwa opisyal at talaga pong pinapaaresto natin at ipinapakasuhan yung mga ganoong pagkukulang ng enforcer na ito,” aniya.

--TeleRadyo, 9 Disyembre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.