MAYNILA - Arestado ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa umano'y pangongotong ng motorista, madaling araw ng Huwebes.
Pasado alas-3 ng madaling araw nang maaktuhan ng operatiba ng Quezon City Police District ang suspek na nakikipagtransaksiyon sa truck driver.
Una na umanong may nag-report sa Philippine National Police sa pangongotong ng suspek kaya nagsagawa sila ng operasyon sa lugar kung saan natiyempuhan ang suspek.
Ayon sa bktima, bigla na lang siyamg pinahinto ng suspek dahil hindi daw siya dumaan sa truck lane.
"Tinanong niya ko bat wala daw ako sa truck line nagpaliwanag ako mababa kasi ang kahoy sa center island kaya aabot ang karga ko," anang biktima.
Pero giit ng suspek, hindi totoong nangongotong siya.
Napag-alaman pa na dati nang inireklamo ang suspek dahil din sa pangongotong kaya inilipat siya sa Special Operations and Anti-Colorum unit.
Nasita din ito nang makita sa Congressional Road na nakauniporme kahit naka-off duty na.
"Nung in-assign sa akin yan pina-stay ko sa opisina hindi ko pinapasama sa operations the main reason behind hindi ko alam mga background nitong mga batang to iba kung an ginagawa neto so pinaback ground natin so ayan nga base on sa nakita naming sa imbestigasyon namin itong taong ito iyan ang ginagawa umiikot, umu-orbit may hinahakawan siya diyan kung ano anong violation ang tinatakot sa mga driver," ayon sa unit head na si Bong Nebrija.
Tinatapalan din umano nito ng chewing gum ang magkabilang body number ng kaniyang motorsiklo para hindi makuha ang kaniyang pagkakakilanlan.
Tiniyak ni MMDA acting chairman Romando Artes na hindi nila ito kinukunsinti.
Agad na papatawan ng preventive suspension ang suspek kung mapatunayan ang reklamo. — Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.