Mga tindera sa Divisoria handa sa pagdami ng mamimili

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2021 10:13 AM | Updated as of Dec 08 2021 11:05 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Inaasahang dadami pa ang mga taong pupunta ng Divisoria para mamili ng pang regalo sa Pasko lalo’t bakasyon ngayong araw ng Miyerkoles.

Umaasa ang mga tindera sa lugar na mas marami pa ang mag Christmas shopping dahil may mga nakatanggap na rin ng kanilang 13th month pay at Christmas bonus.

Mas malakas na ang bentahan ngayon sa Divisoria kumpara noong nakaraang taon. Nananatiling mura pa rin ang mga bilihin dito lalo na ang mga damit, sapatos, laruan at maging mga gamit sa bahay at mga pang dekorasyon sa Pasko.

Marami namang pulis ang nakabantay sa lugar para masigurong maayos ang daloy ng trapik at sumusunod ang lahat sa minimum health protocols.

- TeleRadyo 8 Disyembre 2021