Home > News ‘Mahirap na, binagyo pa’: Ginang, umapela ng tulong para sa nasalantang bahay sa Virac ABS-CBN News Posted at Dec 04 2020 11:52 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC MAYNILA - Nabawasan ang alalahanin ng isang ginang matapos na mapangakuan siya ng gubernador ng Catanduanes ng tulong sa pagpapagawa sa nasalanta nilang bahay sa Virac. “Nagpapasalamat po ako sa Panginoon kahit papaano ginawa kayong instrumento para sa aming mag-asawa [para] mapagawa 'yung bahay namin,” pahayag ni Shirley Deo. Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Deo na naipit sila ng lockdown sa Quezon City kaya hindi agad nakauwi ng Virac. “Mahirap na po tapos binagyuhan pa, mga anak ko ‘di ko nakapiling,” sabi niya. Aniya, hindi mapanatag ang loob niya dahil 3 anak nila ay nasa Guinobatan, Albay at ang isa ay nasa Virac. Kapwa nasalanta ng nagdaang mga bagyo ang 2 lalawigan. Sa parehong panayam, sinabi ni Catanduanes Gov. Joseph Cua na tutulungang makauwi ang mag-asawa at pasisimulan na nito ang pagpapagawa sa bahay nila bilang regalo kay Shirley na nagdidiwang ng kaniyang kaarawan ng Dis. 4. “Ngayong araw, baka makapasyal kami sa bahay n’yo at baka maumpisahan ang paggawa bilang regalo sa inyo dahil kaarawan niyo,” sabi ni Cua. Kaniyang ia-arrange din para makauwi na sa probinsiya ang mag-asawa. - TeleRadyo 4 Disyembre 2020 Share Facebook Share on Twitter LinkedIn regional news, regions, Virac, Catanduanes, Bagyong Rolly, Public Service, Joseph Cua, TeleRadyo Read More: regional news regions Virac Catanduanes Bagyong Rolly Public Service Joseph Cua TeleRadyo