Big returns, minimal risk: Paano naloloko ang tao sa 'crypto scam'? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Big returns, minimal risk: Paano naloloko ang tao sa 'crypto scam'?

Big returns, minimal risk: Paano naloloko ang tao sa 'crypto scam'?

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Kamakailan lang, gumawa ng ingay sa balita ang ilegal na pagkaka-recruit para sa isang crypto-scam sa Myanmar.

Pero ano nga ba ang crypto-scam, at paano makakaiwas dito?

Sa isang panayam sa TeleRadyo, ipinaliwanag ni PLt. Michelle Sabino, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group kung paano nagogoyo ang ibang Pilipino na pasukin ang ilang maanomalyang investment.

“So marami kasi sa’ting mga Pilipino hindi familiar dyan sa mga crypto investment. Kaya marami ang naloloko sa crypto investment na ino-offer nila,” ani Sabino.

ADVERTISEMENT

“Nag-o-offer sila ng mga malaking payouts, tapos na sasabihin nila yung mga risk, nag-o-offer sila ng malaking kita at promises of big returns na very minimal daw ang risk,” ayon sa kanya.

“Minsan meron mga celebrities, or yung mga ginagaya nila yung government agencies na nagpe-pretend na mga, na legitimate yung kanilang company. Tapos meron silang mga big claims na walang details, explanation on how yung process, kung paano ka kumikita nang malaki.”

Kuwento ng pulis, karaniwang pinagda-download ng app ang mga nabibiktima ng crypto investment scam.

“Tayo naman, ang regular Filipino naman,magpapasok siya ng money through either digital wallets or yung online banking. Tapos doon sa app na download mo, makikita mo sa dashboard nila, nandoon yung pera mo.”
So nakikita mo like, like after a week or two weeks’ time, lumalaki na yung pera mo, which, na habang lumalaki mas nae-engganyo ka ngayon na magdagdag pa ng investment,” aniya.

“Malalaman mo na lang na na-scam ka is once you start withdrawing your money, the app would not allow you to withdraw.”

Ayon kay Sabino, meron ding mga app na sasabihing kailangan mo munang magbayad bago po umano’y makuha ang iyong pera.

“Kasi malaki na yung pera mo like let’s say, P200,000 na, you want to withdraw na but you cannot, sasabihin nila kailangan i-upgrade mo, parang i-level up mo yung account mo para makaka-withdraw ka…so again, magdadagdag ka na naman ng pera. Kasi hindi mo pwedeng gamitin yung nasa loob.”

“Ayan na naman. Of course hindi na naman siya totoo,” kuwento ni Sabino.

Payo ni Sabino sa publiko, mag-invest lang sa mga virtual assets na aprubado ng pamahalaan.

“Para malaman natin ang ating virtual asset service provider natin, we have to visist the Bangko Sentral ng Pilipinas kasi doon makikita mo yung mga ibang virtual asset service providers na regulated ng BSP,” aniya.

--TeleRadyo, 1 December 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.