Binata patay sa pananaksak sa harap ng paaralan sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Binata patay sa pananaksak sa harap ng paaralan sa QC

ABS-CBN News
Published Nov 30, 2022 07:20 AM PHT
|
Updated Nov 30, 2022 07:11 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (UPDATE) — Patay ang isang 18 anyos na lalaki matapos siya pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng isang paaralan sa Quezon City.

Base sa initial report ng pulisya, kasama ng biktima ang 16-anyos na lalaking kapatid at isa pang pinsan na lalaki habang nasa harap ng San Francisco High School.

Bigla umanong dumating ang babaeng kaklase ng kapatid ng biktima kasama ang isang lalaki.

Itinuro umano ng babae sa kasama nito ang kapatid ng biktima at dito na pinagsasaksak ang tatlo.

ADVERTISEMENT
Ayon sa pinsan ng mga biktima, nitong nakalipas na linggo ay nabalitaan niya na may kaalitan ang tatlo ngunit inakala niyang away-bata lang ito.

Nagpapagaling na sa ospital ang 2 biktima na nagtamo rin ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi lubos maisip ng pamilya ng biktima ang masalimuot na pagpanaw ng kanilang kaanak dahil wala umano silang nababalitaang kaaway nito.

"Sobrang sakit dahil unang-una napakabait na bata niyan tsaka hindi siya yung palaaway na tipo ng bata. Ang panawagan ko po ay mabigyan ng hustisya yung pamangkin ko. Kasi hindi niya po deserve yan. Bata pa po eh. Ang sakit po," anang tiyahin ng biktima.

Inimbitahan sa istasyon ang tinutukoy na apat na persons of interest na pawang mga menor de edad, kabilang ang isang 14-anyos na babae, ang kaniyang 15-anyos na pinsan at dalawa pang kasamang 17 anyos.

Giit umano nila na sila ang inatake ng grupo ng mga biktima.

Ayon sa salaysay ng 14-anyos na dalagita, ipakakausap sana niya sa kaniyang pinsan ang lalaking nang-bully umano sa kaniya sa eskuwelahan. Nang lapitan ng kaniyang pinsan ang lalaki, bigla na lang umano itong pinagsusuntok at pinagtutulungan.

"Pinapunta siya roon para kausapin itong nambu-bully sa kaniya sa eswkelahan. Kaya lang nung nagkaharap sila noon bigla na lang sinuntok. Noong sinabi ng biktima na 'Kuya, ayun sila kausapin mo.' So binubog itong 3 na ito kasama yung isa so doon na nagkagulo. Nang matapos yung kaguluhan dun nakita na natin yung biktima na nakabulagta na at may mga tama," ani Project 6 Police Station Commander Norman Florentino.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa krimen at sasampahan ng kasong homicide at frustrated murder ang matutukoy na suspek.

—Ulat nina Reiniel Pawid at Larize Lee, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT