PatrolPH

Suspek sa pananaksak sa Maynila, arestado matapos ang 1 taon

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2022 06:38 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Arestado ang isang 28-anyos na lalake matapos umano siya manaksak noong nakaraang taon sa Tondo, Maynila.

Matapos ang isang taong paghahanap, natagpuan ng Manila Police sa San Juan, Leyte ang suspek na si "Benjie."

Ayon sa MPD Station 1 commander na si P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., nakainom ang suspek na bigla na lamang nanaksak gamit ang balisong nang makasalubong ang biktima sa isang eskinita sa Barangay 101.

Makikita sa video na naglalakad ang biktima papalayo habang nakahawak sa kaniyang dibdib kung saan siya tinamaan ng saksak.

Matapos ang krimen, nakipag-inuman pa ulit ang suspek.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang nagawa pero giniit na kakilala niya ang biktima at may hindi sila pagkakaunawaan dahil sa pera.

Nasa kustodiya na ngayon ng MPD Station 1 ang suspek at sasampahan ng kasong frustrated murder.—Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.