Night market sa Baclaran magbubukas na muli | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Night market sa Baclaran magbubukas na muli

Night market sa Baclaran magbubukas na muli

ABS-CBN News

Clipboard

Night market sa Baclaran magbubukas na muli
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Magbubukas na sa publiko Biyernes ng hapon ang isang night street market sa service road ng Roxas Boulevard sa Baclaran.

Nasa 120 to 200 stalls ang itinayo ng magkakaharap at nilagyan pa ng trapal sa gilid ng service road.

May tinda ditong mga bag, damit, gadgets, accessories at pati mga laruan.

Ayon kay Jun Burgos ang Public Information Officer ng Pasay tulong ito ng lungsod para bigyan ng pagkakakitaan ang mga vendor na naapektuhan ng clearing operations na isinagawa sa Baclaran pati sa Taft Avenue.

ADVERTISEMENT

Sinagot na rin nila ang pagpapatayo sa stalls at wala na ring babayarang renta.

Umaasa naman ang mga vendor na makakabawi sila ng kita sa pagbebenta.

“Sana po tuloy-tuloy ang pagtitinda namin kasi po simula nang mademolish kami dito wala na po kaming hanap-buhay. So malaking tulong po ito. Sana po kumita kami ng konti kasi yung pambayad sa bahay, ilaw, tubig, saan po kami kukuha kung di kami makapagtinda,” Maulida Sarep.

Maaaring magtinda doon mula alas-5 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi.

Buong Disyembre tatagal ang night market. Pinapayuhan pa rin ang mamimili na sumunod sa minimum health protocol tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face shield at mask.

- TeleRadyo 27 Nobyembre 2020

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.