PatrolPH

LianHua QingWen 'di maaaring bilhin nang walang reseta: FDA

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2020 09:15 AM | Updated as of Nov 26 2020 11:01 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Hindi maaaring bilhin ang Chinese traditional medicine na LianHua QingWen nang walang reseta mula sa doktor, paalala ng Food and Drug Administration nitong Huwebes.

Inaprubahan ito noong Agosto para sa paggamot ng mild symptoms ng COVID-19, ayon kay FDA administrator Usec. Eric Domingo.

"'Pag pong nahihirapan nang huminga, kailangan di na sa bahay 'yan, kailangan pumunta nang ospital," aniya.

"Di po ito basta basta mabibili. Marami po di natin alam fake, counterfeit... Dapat naiintindihan ang label niya, nasa English."

Hindi ito maaaring inumin ng mga hypertensive at mga pasyenteng gumagamit ng monoamine oxidase inhibitors (MAOIs), dagdag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.