Ilang mga namamalimos, street dwellers dinala sa QC Memorial Circle | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang mga namamalimos, street dwellers dinala sa QC Memorial Circle

Ilang mga namamalimos, street dwellers dinala sa QC Memorial Circle

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dinampot ng Task Force Sampaguita ng Quezon City ang ilang mga street dwellers, mga batang namamalimos at nagtitinda ng sampaguita, at mga Badjao.

Sa covered court ng Quezon City Memorial Circle dinala ang mga Badjao, streets dwellers at mga batang nagtitinda ng sampaguita sa kalye ng Task Force Sampaguita ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ayon kay Eileen Velasco ang hepe ng community outreach division ng Social Services Development Department ng Quezon City, nasa mahigit 200 mga Badjao ang kanilang nakuha sa operasyon.

Nasa mahigit 400 street dwellers din at mga batang nagtitinda ng sampaguita at namamalimos sa kalsada ang isinama pati na ang kanilang mga magulang.

ADVERTISEMENT

Layunin nito na matulungan na mapauwi sa kanilang mga probinsya ang mga namamalimos na mga Badjao at mailigtas sa kapahamakan sa kalsada ang mga batang nagtitinda ng sampaguita at ang ibang nanlilimos.

Dahil magpa-Pasko na, ayon kay Velasco, mas marami na ang mga Badjao na nanlilimos sa lungsod.

Galing sila sa Zamboanga at Jolo sa Sulu. Kahirapan sa probinsya ang rason kung bakit sila lumuluwas dito sa Maynila.

Matapos ma-profile, dinala ang mga Badjao sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong City para sa mai-proseso ang pagpapauwi sa kanilang probinsya.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umano ang mangangasiwa rito, ayon kay Velasco.

Ipinasailalim din sa antigen test ang mga katutubo lalo na ang walang bakuna kontra COVID-19.

Kasabay din sa dinala sa center ang mga namamalimos na hindi residente ng Quezon City.

Ang mga taga Quezon City naman, ipinasailalim sa profiling.

Ayon kay Velasco, may tulong na ipapaabot ang lokal na pamahalaan ng Quezon City base sa pangangailangan ng mga ito.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng SSDD sa pagdami ng mga namamalimos ang pagtaas ngayon ng mga bilihin dahil sa inflation.

Pero dagdag ni Velasco, delikado ang ginagawa ng mga bata sa kalsada dahil posible silang maaksidente.

Aminado naman ang ilang mga magulang na kasama sa mga nadampot na pinagtitinda nila ng sampaguita ang kanilang mga anak para makatulong sa hanapbuhay lalot mahirap ang buhay ngayon dahil sa pagtaas ng bilihin.

Ang iba sa mga dinampot sa modular tent na nagpaumaga.

Nangako naman ang mga magulang na hindi na nila isasama sa paghahanapbuhay sa kalsada ang kanilang mga anak. Umaasa sila na matutulungan ng lokal na pamahalaan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.