Trak bumaliktad sa Sumulong Highway sa Antipolo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Trak bumaliktad sa Sumulong Highway sa Antipolo

Trak bumaliktad sa Sumulong Highway sa Antipolo

Nico Bagsic,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Himalang buhay at galos lang ang tinamo ng pahinante ng 14-wheeler truck matapos bumaliktad sa kahabaan ng Sumulong Highway, Barangay Mambugan, Antipolo City Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa salaysay ng drayber ng trak, hindi siya inaantok o nakainom sa pagmamaneho.

Nakalas ang kadena ng dala-dala nilang backhoe at sumalpok ang mimamaneho niyang trak sa mga concrete fences ng isang food park.

Inabutan pa ng news team na nagkalat ang mga basag na salamin ng truck at iba pang mga parte nito.

ADVERTISEMENT

Halos mabuwal din ang isang poste dahil sa impact ng pagbangga ng truck.

Ayon sa mga rumespondeng medic ng Barangay Mambugan, nagulat na lamang sila ng may marinig na malakas na kalabog sa labas ng barangay hall.

Nang nilapitan nila ang bumaliktad na truck ay nakita nila ang pahinante na naipit sa loob.

Agad nilang sinaklolohan ang lalaki at binigyan ng paunang lunas.

Galos lang ang tinamo ng biktima at sumakit ang kanyang likod.

Maayos naman ang kundisyon ng driver ng truck.

Humambalang din ang kalahating bahagi ng ng truck sa kalsada at naharangan ang daanan papuntang Quezon City.

Aminado ang mga rumespondemg medic na accident prone area itong lugar.

Galing Dipolog City pa ang sangkot na trak at ayon sa driver ay pabalik na sana sila sa Cagayan Valley.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.