'8 billionth symbolic baby' ipinanganak sa Dr. Jose Fabella hospital | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'8 billionth symbolic baby' ipinanganak sa Dr. Jose Fabella hospital

ABS-CBN News
Published Nov 15, 2022 06:23 AM PHT
|
Updated Nov 15, 2022 07:47 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Nasa 8 bilyon na ang populasyon ng mundo ngayong Martes matapos isinilang sa Sta. Cruz, Maynila, ang "8 billionth baby of the world."

Malusog na sanggol na babaeng "symbolic baby" ng Pilipinas.

Ala-1:29 ng umaga nang iluwal via normal delivery ang bata ng 26-anyos na si Maria Margarita ng Tondo, Maynila sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Ayon sa ina ng bata, anim na araw na siyang nagle-labor kaya para masiguro na ligtas siya at ang bata, dinala siya sa ospital.

Masaya si Margarita na ang kanyang anak ang symbolic baby ng Pilipinas para sa 8 billionth baby of the world.

Wala siyang ibang hiling kundi maging malusog ang kanyang ika-apat na anak na pinangalanan niyang Vinice.

Ayon kay Dr. Romeo Bituin, hepe ng medical professional staff ng ospital, mahalagang malaman ang kabuuang populasyon ng mundo para sa pagpla-plano ng mga bansa lalo na sa kalusugan ng bata simula ng nasa sinapupunan pa lamang ito.

Sa tala ng Population Commission, nasa 110.5 million na ang populasyon ng bansa sa kalagitnaan ng 2022.

Umaasa ang komisyon na ang symbolic baby ng bansa na si Vinice ang magiging simbolo ng pagbabago sa darating na panahon para mas mapaganda ang mga programa para sa mga bagong silang na mga sanggol.

Para naman sa National Nutrition Council, ang symbolic baby ang maging daan sana para matugunan ng pamahalaan ang mga tamang hakbang, lalo na sa unang 1,000 araw ng sanggol.

Isa kasi sa mga resulta kung hindi natutugunan ang pangangilangan ng mga bata sa loob ng 1,000 days ang pagiging bansot nito at malaki ang posibilidad na hindi pagkakaroon ng magandang buhay sa hinaharap ayon sa NNC.

Samantala, tatanggap ng gift pack mula sa POPCOM si baby Vinice.

Sa bahagi naman ng ospital, libre ang konsultasyon ng bata at nanay nito.

Pag-iisipan pa rin kung ano pang tulong ang maaaring maibigay.

Dito rin ipinanganak kasi ang 100th million baby sa mundo noong 2014, at nabigyan ito ng scholarship sa school of midwifery ng ospital,

Maging ang tatay nito, nabigyan rin ng trabaho sa ospital.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News