The Correspondents CA Throwback: Bangungot ng Marinduque sa 1996 Marcopper mining disaster | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

The Correspondents CA Throwback: Bangungot ng Marinduque sa 1996 Marcopper mining disaster

The Correspondents CA Throwback: Bangungot ng Marinduque sa 1996 Marcopper mining disaster

Sherwin Tinampay,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Higit dalawang dekada na ang nakararaan noong Marso 24, 1996 nang bumigay ang drainage tunnel ng Marcopper Mining Corporation kung saan umabot sa 2 milyong tonelada ng nakalalasong kemikal ang bumuhos sa mga ilog sa Marinduque partikular na ang Boac River.

Ang Placer Dome Inc. at Marcopper Philippines ay nagmimina ng tanso sa Marinduque mula 1969 hanggang 1996.

Nang pumasok ang kompanya sa kanilang lugar, inakala ng mga residente na hulog na ito ng langit sa kanila sa pag-asang gaganda na umano ang kalagayan ng kanilang buhay ngunit kabaligtaran ang kinalabasan.

"While they have been mining for decades here, it has not changed the economic life of the people. We were just pick-and-shovel and the expats were the ones occupying the positions," pagbabahagi ni noo'y Marinduque Gov. Carmencita Reyes.

ADVERTISEMENT

Binisita ng ABS-CBN News team sa pangunguna ni Doris Bigornia ang Marinduque at kinumusta ang ilan sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng malagim na insidente.

Habang buhay nang nakatatak sa katawan ng mangingisdang si Wilson Manuba ang ebidensiya ng naging kapabayaan ng pagmimina ng Marcopper.

Taong 2001 nang putulin ang kanang binti ni Manuba.

Ang maliit na sugat sa kaniyang paa ay lumala nang lumala dahil sa pagkakababad nito sa dagat na nakontamina ng nakalalasong kemikal mula sa minahan ng Marcopper.

"Ang sabi po ng nag-opera sa akin na taga-Canada sumama na raw po sa dugo 'yung lason," kuwento ni Manuba sa unang panayam sa kaniya ng ABS-CBN News noong 2001.

Kasabay ng pagkasira ng kalikasan sa lugar, umusbong rin ang sakit sa balat sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog.

Makalipas ang 26 taon nitong Mayo 2022, nagbaba ng desisyon ang Marinduque Regional Trial Court kung saan pinagbabayad nito ng danyos ang Marcopper Mining Corporation sa mga residenteng apektado.

Panoorin ang kabuuan ng ulat ni Doris Bigornia sa kalagayan ng mga residente ng Marinduque at ang pagmimina naman sa Zamboanga na inilahad ni Aladin Bacolodan sa 'Ginto, pilak o natanso' na dokumentaryo ng programang 'The Correspondents' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong 2005.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.