'Nandito na kami sa bubong': 30 katao sa Montalban, Rizal humingi ng saklolo

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2020 07:31 AM

Watch also in iWantTFC

Humingi ng tulong ang ilang mga residente ng Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal matapos abutin ng baha ang kanilang bahay dahil sa lakas ng ulan na dala ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Rico Ochondia, residente ng Kasiglahan Village, may 30 katao ang nasa bubong ng mga bahay dahil sa pagtaas ng baha sa Montalban.

"Nandito na po kami sa bubong. Sa ngayon tumataas na po ang baha. Marami po kami dito kasama ang asawa at dalawang bata, nasa 2nd floor kami, inabot na po kami...'Yung mga bahay hindi na po makita," aniya sa panayam sa TeleRadyo.

"'Yung mga gamit namin, walang wala na. Walang natira...Sana masaklolohan niyo kami rito."

ABS-CBN TeleRadyo, November 12, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.