Pabrika ng mga damit sa Kawit, Cavite nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pabrika ng mga damit sa Kawit, Cavite nasunog

Pabrika ng mga damit sa Kawit, Cavite nasunog

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 04, 2022 08:31 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Nilamon ng apoy ang isang garment factory sa bayan ng Kawit, Cavite nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog mag-aalas-11 ng gabi at dahil karamihan sa nakaimbak dito ay mga tela at damit, mabilis na kumalat ang apoy.

Kuwento ng ilang empleyado, nagising sila at nakita ang makapal na usok galing sa naturang warehouse sa Brgy. Magdalo Potol. Wala na silang naisalbang gamit dahil malaki na agad ang apoy.

Agad itinaas ang ikalawang alarma at mahigit 50 truck ng bumbero ang rumesponde.

ADVERTISEMENT

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng napinsala nito.

Dakong 1:30 a.m. ng makontrol ang sunog at tuluyang naapula bago mag umaga.—Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News

Read More:

sunog

|

Kawit

|

Cavite

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.