Ilang 'tulak' ng droga, nag-eenroll sa paaralan para magbenta: PDEA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang 'tulak' ng droga, nag-eenroll sa paaralan para magbenta: PDEA

ABS-CBN News
Published Nov 04, 2017 02:35 AM PHT
|
Updated Nov 04, 2017 08:26 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bagong modus ng mga drug dealer para makabenta ng droga sa mga kabataan.

Ayon sa PDEA, may impormasyon silang nakuha na nag-eenroll mismo ang mga drug courier sa mga eskuwelahan para makapagbenta deretso na sa mga estudyante.

"They have a point man na ipinakakalat sa mga colleges and universities. Itong point man nila, ang ginagawa sa isang university, naghahanap ng mga kliyente na mga estudyante," ani PDEA director general Aaron Aquino.

Nanggaling ang impormasyon nang tiktikan nila ang isang Nigerian national na si Dennis Thieke na tulak umano ng droga.

Naaresto noong Huwebes ang banyaga nang pasukin ang kaniyang condominium unit sa Mandaluyong City at nasamsam ang mga droga tulad ng shabu, marijuana, cocaine at ecstasy.

--Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT