Labi ng mga nasawing mangingisda malapit sa Scarborough, naiuwi na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Labi ng mga nasawing mangingisda malapit sa Scarborough, naiuwi na

ABS-CBN News
Published Oct 04, 2023 05:58 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Naiuwi na sa kani-kanilang mga pamilya nitong Miyerkoles (Oktubre 4) ang labi ng 3 mangingisdang nasawi dahil sa banggaan ng dalawang bangka malapit sa Scarborough Shoal noong Lunes.

Kinilala ang mga biktima na sina crew member Romeo Mejeco at Benedicto Olandria, at ang kapitan na si Dexter Laudencia.

Matapos ang nangyaring banggaan noong, inihatid muna sa Infanta, Pangasinan ang kanilang mga labi.

Ayon sa station commander ng Philippine Coast Guard sa Pangasinan, posibleng "head trauma" ang ikinamatay ng mga nasabing biktima dahil sa nangyaring banggaan ng sinasakyan nilang FFB Dearyn at ang isa pang bangka na kinilalang Pacific Anna.

—Ulat nina Jauhn Etienne Villaruel at Jeff Caparas, ABS-CBN News