PatrolPH

ALAMIN: Ilang bahagi ng Meralco Avenue, isasara simula Lunes

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2022 06:34 AM | Updated as of Oct 03 2022 06:44 AM

Watch more on iWantTFC

Anim na taong isasara ang ilang bahagi ng Meralco Avenue simula Lunes, October 3, 2022, para bigyang daan ang paggawa sa Metro Manila Subway Project Shaw Boulevard station o ang kauna-unahang underground mass transit sa Pilipinas. 

Ang Meralco Avenue ang magsisilbing access point ng proyekto. 

Magsisimula ang subway construction sa Capitol Commons hanggang Shaw Boulevard kaya't isasara na mamayang alas 9 ng gabi ang parehong north at southbound lane ng Meralco Avenue. 

Ayon sa MMDA, nasa 100,000 motorista at PUV ang maaapektuhan ng road closure. 

alt
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.