Sitio Kapihan, hindi basta-basta napapasok, ayon sa mayor ng Socorro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sitio Kapihan, hindi basta-basta napapasok, ayon sa mayor ng Socorro

Sitio Kapihan, hindi basta-basta napapasok, ayon sa mayor ng Socorro

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi umano basta-basta napapasok ang Sitio Kapihan sa bayan ng Socorro sa Surigao del Norte, ayon sa alkalde nito.

Sa Sitio Kapihan nakatira ang mahigit 3,000 miyembro ng Socorro Bayanihan Services Inc., na kasalukuyang iniimbestigahan sa Senado dahil sa mala-kulto umanong mga gawain nito.

Ayon kay Mayor Riza Rafonselle Timcang, hindi basta-basta nakakapasok sa Sitio Kapihan maging ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan, kaya hindi rin umano sila nakakapaningil ng buwis mula sa mga miyembro ng SBSI.

Dagdag pa niya, dalawang beses pa lamang niyang nakita si Jey Rence Quilario, na mas kilala bilang "Senior Agila".

ADVERTISEMENT

Ayon din kay Timcang, madalas na hindi sumusuporta ang mga miyembro ng SBSI sa mga programa ng lokal na pamahalaan, ngunit bumababa ang mga ito papunta sa munisipyo kapag may tulong o ayuda mula sa pamahalaan.

Ngayong kinansela na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kasunduan nito sa SBSI kaugnay ng pag-okupa sa Sitio Kapihan, umaasa si Timcang na mabibigyan ng pabahay at pangkabuhayan ang nasa mahigit 1,000 pamilyang maaring mawalan ng tirahan.

Hinihintay pa umano nila ang susunod na hakbang ng DENR, ngunit ayon kay Timcang, sisikapin ng lokal na pamahalaan na makatulong sa maapektuhang miyembro ng SBSI.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.