Mga lubak sa kalsada sa Roxas Blvd., nagdudulot ng aksidente sa mga motorista | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga lubak sa kalsada sa Roxas Blvd., nagdudulot ng aksidente sa mga motorista

Mga lubak sa kalsada sa Roxas Blvd., nagdudulot ng aksidente sa mga motorista

Larize Lee,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 30, 2022 07:28 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patuloy na kinukumpuni ng Department of Public Works and Highways ang mga lubak sa kalsada sa Roxas Boulevard na nagiging sanhi ng aksidente sa lugar.

Noong nakaraang linggo, isang motorcycle rider ang namatay sa Roxas Boulevard matapos mawalan ng balanse nang mapadaan sa lubak at magulungan ng isang trailer truck.

Ayon din sa isang traffic enforcer, marami nang naiulat na aksidente sa lugar, lalo natuwing umuulan.

Madulas kasi ang kalsada at kapag tumataas ang tubig, hindi nakikita ng mga motorista ang mga butas na maaring madaanan.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa DPWH, patuloy ang rehabilitation nila sa mga kalsada sa Roxas Boulevard.

Dagdag pa nila, nasisira ang kalsada dahil sa mga dumadaang overloaded na mga trak ginagawa nila ang lahat para makumpuni ito sa lalong madaling panahon.

Humihingi rin ng paumanhin ang DPWH sa lahat ng mga motoristang dumadaan at napeperwisyo nang dahil sa lubak.

Inaasahang matatapos ang road repair sa Roxas Boulvevard ngayong katapusan ng taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.