DOH binabantayan ang mga ospital sa pagtaas ng pasyenteng may COVID | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOH binabantayan ang mga ospital sa pagtaas ng pasyenteng may COVID

ABS-CBN News
Published Sep 29, 2022 11:27 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang ilang mga ospital sa Metro Manila para sa mga tumataas na kaso ng COVID-19 dito, ayon sa isang opisyal.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na may nakikitang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng naoospital dahil sa COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.

“Less than 50 percent naman po (ang hospitalization) sa lahat ng parte ng bansa, although may binabantayan na po kami na mga lugar, kung saan merong mga nakikitang pagtaas ng pag-a-admit ng mga pasyente,” aniya.

“Actually last week po we met with our National Capital Region (NCR) local governments and hospitals, dahil pinapalipat po namin yung mga mild and asymptomatic palabas ng ospital para po magluwag ang kanilang ospital,” aniya.

Ayon kay Vergeire, nasa moderate risk na ang NCR dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Tumataas rin ang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa, aniya.

“We have this growth rate na tumaas nung September 22-September 28, we already have an average of 2,334 cases here in the country. Ito po ay 2 percent higher from last week. At pag kinumpara natin from last 2 weeks ago naman, it’s 7 percent higher.”

Una nang sinabi ng DOH na ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay maaaring dulot ng pagbubukas ng ekonomiya at mga katangian ng COVID-19 variants sa bansa.

Higit 73 milyong Pilipino na ang nababakunahan kontra COVID.

--TeleRadyo, 29 Setyembre 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT