Badoy maaaring nag-imbita ng sedisyon nang magpasaring sa hukom: ex-IBP president | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Badoy maaaring nag-imbita ng sedisyon nang magpasaring sa hukom: ex-IBP president

ABS-CBN News
Published Sep 28, 2022 12:02 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Para sa ilang abogado, maaaring ituring na "inciting to sedition" o paghihimok ng paglaban sa awtoridad ang ginawang patama ng dating NTF-ELCAC spokesperson na si Lorraine Badoy laban sa isang hukom, ayon sa dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines.

Kamakailan, iniugnay ni Badoy si Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar sa 2 rebeldeng grupo. Ito'y matapos na ibasura ng hukom ang proscription case laban sa Communist Party of the Philippines (CPP) and the New People’s Army (NPA).

Sa isang Facebook post, sinabi rin ni Badoy: “So if I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP NPA NDF must be killed because there is no difference in my mind between a member of the CPP NPA NDF and their friends, then please be lenient with me.”

"May mga sector, may mga abogado tayong nakakausap, merong mga nagbibigay ng opinyon, baka iyan ay lumalapit na sa tinatawag nating inciting to sedition," sabi ni dating IBP president Abdiel Dan Elijah Fajardo.

"Ang isang judge po ay isang empleyado ng gobyerno, pinapasuwelduhan po iyan ng taong bayan, isang public official. Kung ikaw ay halimbawa nag-i-ignite, nagsisindi ka o nagsisilab ka ng damdamin para tirahin ang isang nakaupong hukom, ikaw po ay nag-iimbita ng isang krimen na tinatawag na sedisyon," aniya sa panayam ng TeleRadyo.

Dagdag ni Fajardo, ang ginawa ni Badoy ay pananagasa sa karapatan ng isang hukom na magdesisyon.

Nitong Martes, sinabi ng Korte Suprema na pwedeng maharap sa contempt sanctions si Badoy dahil sa kaniyang mga sinabi.

Ayon kay Fajardo, kapag na-contempt ang isang tao ng Korte Suprema ay maaari siyang makulong, dahil kasama sa kapangyarihan ng tribunal na disiplinahin ang mga nakakaapekto sa pagkamit ng katarungan.

Aniya, dapat na bigyan si Badoy ng pagkakataon upang ipaliwanag ang kanyang sarili, dahil dapat na magkaroon ng due process.

Hindi direktang pinatungkulan ni Badoy ang babala ng Korte Suprema, pero sa isang Facebook post, sinabi niya nitong Martes: "I am unfazed."

"Whether I’m loved or hated makes no difference to me. I’m completely indifferent to people’s opinions of me and what I ache to accomplish and the manner I go about getting there. My eye is permanently fixed on one goal and one goal alone: the end of this terrorist organization CPP NPA NDF," dagdag niya.

— TeleRadyo, 27 Setyembre 2022
Read More:
Lorraine Badoy
inciting to sedition
CPP-NPA
Manila Regional Trial Court
Korte Suprema
Supreme Court
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT