Home > News Bilang panangga sa mga bagyo, Sierra Madre dapat pangalagaan — eksperto ABS-CBN News Posted at Sep 27 2022 02:25 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Malaking tulong ang naibigay ng Sierra Madre mountain range sa paghina ng Bagyong Karding noong tumama ito sa central Luzon noong Linggo, ayon sa isang opisyal. Ayon kay PAGASA administrator Vicente Malano, kahit di pangkaraniwan ang nangyari sa paglakas ng bagyo, napahina ito ng Sierra Madre nang dumaan ito sa bulubundukin. Aniya, pangalagaan dapat ang kabundukan at mga puno sa Sierra Madre, na malaking tulong bilang pananggalang sa malalakas na bagyo. Kahit napahina ng bulubundukin ang bagyo, libo-libong bahay ang nawasak matapos daanan ni Karding ang bayan ng Dingalan sa Aurora kung saan nag-second landfall ito.—SRO, TeleRadyo, Sept. 27, 2022 Libo-libong bahay sa Dingalan, Aurora nawasak ng 'Karding' Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, SRO Read More: Sierra Madre Sierra Madre mountain range Bagyong Karding PAGASA