Libo-libong bahay sa Dingalan, Aurora nawasak ng 'Karding' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Libo-libong bahay sa Dingalan, Aurora nawasak ng 'Karding'

Jorge Cariño,
ABS-CBN News
Published Sep 26, 2022 07:56 PM PHT
|
Updated Sep 26, 2022 08:30 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Libo-libong bahay ang nawasak matapos daanan ni Karding ang bayan ng Dingalan sa Aurora kung saan nag-second landfall ang bagyo.

Isa sa pinakahinagupit ng super typhoon ang Barangay Paltic sa Dingalan, na nakaharap sa dagat.

Nang magsibalik nitong Lunes mula sa evacuation center ang mga residenteng nagsilikas, nadatnan nilang kalunos-lunos na ang kalagayan ng kanilang mga tahanan.

Kailangan nang magpasikot-sikot ni Liezl Cañete para marating ang kaniyang bahay na naharangan at natabunan na ng mga bangkang isinadsad ng alon.

ADVERTISEMENT
Sinubukang pigilan ni Cañete ang kaniyang emosyon habang iniinspeksyon ang kaniyang bahay. Pero kalaunan ay bumigay rin ito.

Pamilyado si Cañete na may anim na anak.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Dingalan, 6,194 ang nasiraan ng bahay, samantalang 545 namang pamilya ang wala nang tirahang babalikan.

Sa katulad ni Cañete na pangalawang beses nang nasiraan ng bahay wala pang dalawang taon ang pagitan, mapait ang katotohanan na wala siyang pagpipilian kundi itayo lang muli ang kanilang tirahan.

Sabi ng mga opisyal ng barangay, mas malala ang sinapit nila ngayon kompara noong madali sila ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020.

Bagaman may mga nasirang ari-arian, sabi ni Mayor Sherwin Taay ay wala namang namatay sa mga kababayan niya, na siyang ipinagpapasalamat ng buong lokalidad.

Dumating ngayong Lunes sa bayan ng Dingalan si DSWD Secretary Erwin Tulfo upang mag-abot ng tulong.

Ayon sa kalihim, may ayudang ibibigay ang kanilang ahensya sa mga nasiraan ng bahay, na may halagang P5,000 hanggang P10,000, sa ilalim ng Assistance for Individuals in Crisis (AICS) program.

Sa isyu ng hanapbuhay, grupo naman ni Aurora Governor Christian Noveras ang toka.

Sabi ng gobernador, Cash for Work ang gagawin nila dahil alam ng probinsyang problema ng mga pamilyang nakaligtas ang hanapbuhay matapos masira ang mga bangka na gamit sa pangingisda.

Tumugon din ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN sa sitwasyon ng mga taga-Dingalan.

Sabi ni Noveras, ang Dingalan ang may pinakamalalang sinapit sa ngitngit ng super bagyong Karding.