PatrolPH

Storm surge: Mga bahay sa Polillo, Quezon pinasok ng tubig-dagat

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 01:26 AM | Updated as of Sep 26 2022 01:28 AM

Watch more on iWantTFC

Kuha ni Hcnep Ozeñac

Umapaw sa mga kabahayan sa bayan ng Polillo sa Quezon ang tubig-dagat sa gitna ng hagupit ng Bagyong Karding.

Ayon kay Geneva Mopera, public information officer ng Polillo LGU, dakong alas 5:00 ng hapon nagsimulang pumasok ang tubig-dagat sa Barangay Poblacion sa bayan.

Ito ay dahil aniya sa sobrang laki na ng mga alon na sinabayan pa ng high tide.

Ayon pa kay Mopera, may mga natanggap silang mga apektado ng storm surge o daluyong, at mga pagbaha sa 17 coastal barangay nila.

Isa ang Polillo sa isinailalim sa Wind Signal No. 5 sa bansa, ng PAGASA. - Ulat ni Ronilo Dagos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.