Mga kumukuha ng passport dagsa sa DFA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga kumukuha ng passport dagsa sa DFA

Mga kumukuha ng passport dagsa sa DFA

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Umabot na ng ilang buwan ang paghihintay ng ilang mga overseas Filipino worker para makuha ang nirerenew nilang passport mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“Three months na po kaming nag-aantay. Pabalik-balik po ako sa DFA,” sabi ng isang lalaking naghihintay sa labas ng DFA.

May mga naghintay ng mula alas-4 ng madaling araw ng Huwebes para sa pagbubukas ng tanggapan ng DFA Office of Consular Affairs sa Aseana sa Parañaque.

Alas-6 pa lang ng umaga, nasa daan na ang bilang ng mga nakapila sa labas ng DFA.

ADVERTISEMENT

Daing ng ilan, nakailang balik na sila para i-follow-up ang kanilang mga passport.

Ang ilan gaya nina Nicanor Banluta Jr. at Clarisa Galima, may mga kontrata o pasampa na sila sa barko pero naantala dahil sa kawalan pa rin ng passport.

Kasama sila sa mga may “for correction” o may maling impormasyon na kailangan ipabago sa passport.

Napagawa na nila ito sa ibang passport service sites pero kailangan nilang pumunta pa rin sa DFA para repasuhin ang maling impormasyon.

Dagdag pa nila na hindi rin sila makakuha ng sagot sa email o tawag sa DFA kaya tinitiis nila ang init at pila para mag-follow-up nang personal.

"Three months na po kami nag-aantay. Bumabalik ako dito sa DFA, pabalik-balik na lang po, sabi ni Greg Cortez.

Dagdag naman ng isa pang nagpaparenew ng passport na may isang linggo pero wala pa ring tugon sa kanilang email.

"Naka-apat na punta na ako dito hindi ka man makapasok, ayaw ka nila papasukin. Malayo pa ang pinanggalingan namin, tapos sa pamasahe pa lang patay na," sabi niya.

Sa huling abiso ng DFA noong Martes, tiniyak nilang tuloy pa rin ang operasyon ng Office of Consular Affairs, mga NCR Consular Offices at Temporary Off-Site Passport Services sa gitna ng Alert Level IV sa NCR.

Pero sinabi nilang limitado ang operational capacity at kayang serbisyuhan na appointment kaya hindi maaaring makapamili ng schedule ang mga nasuspinde ang appointment.

Dagdag nila kapag hindi itinuloy ang appointment, hindi sila magiging priority para sa pagreschedule at maaaring umabot ng buwan ang paghintay ng bagong schedule.

Bago mag-alas-8 ng umaga ay nagsimula nang papasukin ang mga ibang pumila.

May 3 pila ng mga tao papasok ng DFA, ang mga for renewal at for correction at ang pila ng mga bagong aplikasyon.

Nagiging hamon ang pagpapatupad ng physical distancing pero patuloy ang paalala ng mga guwardiya at pulis sa mga nakapila.

- TeleRadyo 23 Setyembre 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.