PatrolPH

Mga biktima ng bagyong Ulysses nilipat na sa QC transitional housing

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2021 08:55 AM

Watch more on iWantTFC

Matapos ang 9 na buwag nakatira sa modular tents, inilipat na sa transitional housing sa Barangay Bagong Silangan, QC ang ilang biktima ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Barangay Bagong Silangan chairman Willy Cara, may 47 units o kwarto ang transitional housing na ito. 

Okupado na ang nasa 25 units ng mga residente nila na wala nang mabalikan na bahay. Ito ang mga nakatira sa mga low-lying areas nila na nasira ang bahay dahil sa mga nagdaang bagyo.

ABS-CBN TeleRadyo, Sept. 22, 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.