Gobyerno 'pasang-awa' vs coronavirus: dating Health chief | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gobyerno 'pasang-awa' vs coronavirus: dating Health chief

Gobyerno 'pasang-awa' vs coronavirus: dating Health chief

ABS-CBN News

Clipboard

Gobyerno 'pasang-awa' vs coronavirus: dating Health chief
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Para kay dating Health Secretary Esperanza Cabral, "pasang-awa" ang tugon ng pamahalaan sa coronavirus pandemic nasa 6 na buwan mula nang i-lockdown ng mga awtoridad ang bansa para mapigil ang pagkalat ng naturang sakit.

"Alam ko namang ginagawa nila lahat ng kaya nilang gawin. Ang ibig ko lang sabihin ay kailangang bilisan pa at palawakan pa at gumawa pa ng mga kailangan para sa lahat," ani Cabral sa panayam ng TeleRadyo sa ABS-CBN.

"Marami sa polisiya na ginagawa, para lang sa mga nakakariwasa, nakakasunod sa polisya. Doon sa mahihirap, iyong polisiya, hindi nila kayang gawin. Tulad ng 'pag sinabing magsuot kayo ng mask. Pagkain nga, walang pambili--mask lalo nang wala. Kailangan bigyan natin sila ng ganoon," dagdag niya.

Target ng gobyerno na mamigay ng nasa 20 milyong mask para sa mga pinakamahirap na Pilipino sa loob ng 2 buwan, sinabi ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nitong Huwebes.

ADVERTISEMENT

Una na ring dinepensahan ng pamahalaan ang tugon nito sa pandemya.

"We may not be as successful, but I can assure you, everyone is working darn hard to find a solution to the problem," sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Agosto.

"Kung magkulang man, well, pagpasensyahan po pero hindi niyo po maaakusa ang gobyernong ito na natutulog sa pansitan," dagdag niya.

Nitong Martes, sinabi rin ni Roque na nakapagsagawa na ng nasa 3 milyong coronavirus test ang bansa.

"We clearly have the best testing policy in the whole of Asia and probably in the whole world... "I think we will have the highest number of testing, one of the highest in the whole world. That's clearly our biggest strength," sabi ng opisyal.

"All in all, I think we deserve a very good grade, I would give it a grade of 85 percent," dagdag niya.

Nakapagtala na ang Pilipinas ng 276,289 kaso ng COVID-19. Ito ang ika-21 pinakamataas na caseload sa buong mundo, ayon sa Johns Hopkins University.

TeleRadyo, Setyembre, 18, 2020

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.