Tigil-pasada ng mga jeep vs modernisasyon kasado na ngayong buwan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tigil-pasada ng mga jeep vs modernisasyon kasado na ngayong buwan

ABS-CBN News
Published Sep 13, 2019 08:51 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Magsasagawa ng tigil-pasada sa buong bansa ang ilang grupo ng jeepney drivers sa Sept. 30 bilang pagtutol sa phaseout ng kanilang mga sasakyan sa susunod na taon, sinabi ng isang transport leader, Biyernes.

Lalahok sa transport strike ang mga grupong Piston, Stop and Go at Alliance of Concerned Transport Organizations, ayon sa president ng ikatlong grupo na si Efren De Luna.

Partikular aniyang tinututulan ng mga grupo ang mandato ng pamahalaan na bago mag-Hulyo 2020 ay palitan ang mga lumang jeepney ng mga makabagong modelong nagkakahalaga ng nasa P2.5 milyon.

"Ano iyong kakayahan ng jeepney driver, operator sa ganoong klaseng halaga?" daing ni De Luna.

ADVERTISEMENT
Hindi rin aniya kakayanin ng mga operator at driver na makautang sa Land Bank dahil marami ang requirements nito.

Nakahanap aniya ang grupo ng ibang financier para sa 24-seater na Euro 4 namodelong nagkakahalaga lamang ng P1.3 milyon.

"Bakit pinipilit tayo sa sistemang 2.5 million na gawa pa sa ibang bansa?" sabi ni De Luna.

"Hindi naman kami tumututol [sa jeepney modernization]... Ang pinakaproblema lang natin iyong implementation."

DZMM, Setyembre 13, 2019
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT